Atapang Atao…

Sa DLSU kasi sinasama samin yung mga students na mentally challenged para daw hindi nila mafeel na iba sila sa amin. Actually masaya naman talaga sila kasama eh :)

Dun sa isa kong subject may classmate akong mentally challenged na laging binubully ng mga rich kids. Pangalanan na lang natin siyang Pipoy. Lagi siyang inaasar na hindi daw siya matapang. Tapos sasabihin niya lagi ano bang dapat gawin para maging matapang. So ayun kung anu-ano pinapagawa sa kanya.

Hindi kasi ako kumikibo sa ginagawa nila kasi baka pag-initan din ako though alam ko namang mali talaga. Ang lalaki kasi nila eh. One time chinallenge nila si Pipoy na kung matapang daw siya, bunutin niya yung buhok niya sa utong. Oo, buhok sa utong talaga. Tapos pumayag siya.

Bigla siyang pumunta sa harap ng class tapos sumigaw ng…

“Guys tignan niyo! Matapang ako!”

Inangat niya bigla yung shirt niya tapos sa harap namin binunot niya yung buhok niya sa utong. Takte parang wala lang reaksyon yung mukha niya. Hindi man lang nasaktan! Grabe halos lahat talaga dun sa room nagtawanan. Yung iba syempre nashocked tapos yung mga concerned girls pinatigil na yung mga nambubully sa kanya. Yun siguro yung pinakagrabeng challenge na pinagawa sa kanya. Ang sakit kaya nun!